Malapit na naman tayo sa dulo.
Sa dulo na sana hindi nalang dadating.
6 na taon na tayong magkakasama, ilang buwan nalang ang natitira at lahat ng ito ay matatapos na.
Sa dulo na sana hindi nalang dadating.
6 na taon na tayong magkakasama, ilang buwan nalang ang natitira at lahat ng ito ay matatapos na.
Naalala niyo pa ba yung unang taon natin sa skwela?
Kung paano tayo unti-unting nagturingang pamilya.
Yung mga panahong tayo'y nagkakahiyaan pa tuwing magpapakilala,
Kung paano natin nasaksihan ang pagbabago bawat isa.
Kung paano tayo unti-unting nagturingang pamilya.
Yung mga panahong tayo'y nagkakahiyaan pa tuwing magpapakilala,
Kung paano natin nasaksihan ang pagbabago bawat isa.
Kasi kung nakalimutan niyo na, makikinig kayo, at ipapalala ko sa inyo.
Yung mga panahong hindi pa tayo ang ate at kuya,
Yung pinapangaralan pa tayo ni sir Oco tungkol sa biblia,
Yung mga nito naginagawa nating pitaka,
At yung mga panajong hindi pa uso ang oppa.
Yung pinapangaralan pa tayo ni sir Oco tungkol sa biblia,
Yung mga nito naginagawa nating pitaka,
At yung mga panajong hindi pa uso ang oppa.
Naalala niyo pa ba, ang mga ceramics, na kung saan humihingi tayo kay sir ng 95, para sa academiks.
Yung mga panahong hindi ka pa nangingilay,
Yung mga panahong pwede ka pang maging pasaway.
Yung mga panahong hindi ka pa nangingilay,
Yung mga panahong pwede ka pang maging pasaway.
Yung mga panahong nakikinig pa tayo sa traffic, sa birds, at sa sarili nating hininga, tapos pag nag ingay ay papagalitan tayo ni sister Cleta. Oo tumakbo ka na, takbo na kasi nandyan na si sir pava.
Naalala niyo pa ba, yung mga kaklase nating lumipat na.
Yung mga kasiyahan tuwing nanalo tayo sa kompetisyon, yung mga pag aalala tuwing may bago na namang leksyon.
Yung mga kasiyahan tuwing nanalo tayo sa kompetisyon, yung mga pag aalala tuwing may bago na namang leksyon.
Yung mga payo ng ating mga guro.
Yung galak na ating nararamdaman tuwing palaro,
Yung lahat ng biruan, tawanan, kulitan, kantahan at sayawan
Naalala mo pa ba?
Yung galak na ating nararamdaman tuwing palaro,
Yung lahat ng biruan, tawanan, kulitan, kantahan at sayawan
Naalala mo pa ba?
Nararamdaman niyo na ba? Na ito na ang huling taon na tayo'y magsasama sama. Kaya paalam na.
Paalam na kasi wala nang kasiguraduhan kung lahat sa atin ay magkikita kita pa.
Nasa dulo na tayo ng gyera, na kung saan tayo nalang ang natira, at pagkakaibigan ang ating sandata.
Paalam na kasi wala nang kasiguraduhan kung lahat sa atin ay magkikita kita pa.
Nasa dulo na tayo ng gyera, na kung saan tayo nalang ang natira, at pagkakaibigan ang ating sandata.
Paalam na sa mga masasayang alaala,
na kung saan mananatili nalang isang memorya.
Paalam na sa mga uniporme na hindi na natin maisusuot pa, gaya ng panahon na hindi na natin maibabalik pa.
na kung saan mananatili nalang isang memorya.
Paalam na sa mga uniporme na hindi na natin maisusuot pa, gaya ng panahon na hindi na natin maibabalik pa.
Hindi lahat ng ating pinagdaanan ay masaya,
Minsan narin tayong nag iyakan, napagod at hindi nagkaintindihan,
Ito lamang ang tanda, na sa lahat ng ating pinagdaanan sama sama natin itong nalampasan.
Minsan narin tayong nag iyakan, napagod at hindi nagkaintindihan,
Ito lamang ang tanda, na sa lahat ng ating pinagdaanan sama sama natin itong nalampasan.
Paalam na sa mga kainan na walang inuman,
Paalam na sa maingay na klase, at sa mga feeling mister swabe.
Paalam nakay crush na pinagmamasdan sa sulok,
at paalam na rin sa big tree at blue book.
Paalam na sa maingay na klase, at sa mga feeling mister swabe.
Paalam nakay crush na pinagmamasdan sa sulok,
at paalam na rin sa big tree at blue book.
Kasi dadating at dadating din ang araw na tayo'y aalis. At lahat ng ito ating mamimiss. Darating ang araw na gigising tayo sa umaga, hindi na ganitong mga mukha ang ating nakikita.
Gagawa na tayo ng desisyon na magtutupad ng ating mga ambisyon, at ang problema ay bibigyan na natin ng solusyon kasabay nito ay gagampanan na ang kani-kaniyang obligasyon.
Konting tagay nalang at makakarating na tayo dulo. At itatatago nalang natin ito sa litrato. Hindi ko na alam kung alin ang mas nakakalungkotang mainsubordination o ang katotohanang malapit na ang graduation.
Ito ang sekondarya at tayo ang unang magsuot ng kulay abong toga, habang tinatanggap ang diploma, kukuha ng litrato kasama ang barkada, nakangiti sabay ang lungkot, kasi tayo ay maghihiwa-hiwalay na.
ito ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang studyante. Ito ang ating karanasan, na babaunin natin sa ating puso magpakailanman, sana ay wag natin itong kalimutan para sa pagmamahal at pagkakaibigan!